Aprubado na ang committee report sa panukalang pagpapaliban ng May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa naging pagpupulong ng house committee on suffrage and electoral reforms, inabot lamang ng limang minuto ang pag apruba sa mosyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. para pagpapaliban ng eleksiyon.
Sinegundahan naman ito ni Cagayan De Oro Rep. Rufud Rodriguez.
Dahil dito, ipadadala na sa committee on rules ang naging committee report sa kalendaryo para sa dinggin sa plenaryo.
Sakaling tuluyang maging batas ang naturang panukala, nakatakdang isagawa ang barangay at SK elections sa May 2023.