Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang peace talks sa Communist Party of the Philippines- New Peoples Army.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, maganda ang naging basehan ng pangulo na alamin kung papaboran ba ito ng publiko.
Sinabi ni Arevalo na dapat lamang bigyan ng sapat na panahon ang public consultation na may kaugnayan sa back channel talks.
Gayunman, nilinaw ni Arevalo na hangad pa rin ng kanilang hanay na makamit ang matagal ng isinusulong na pang-matagalang kapayapaan.