Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na tutol siya na matuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Filipino-owned solar panel factory sa Santo Tomas, Batangas, na dapat munang ipagpaliban ang nasabing halalan upang matuldukan ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.
Binalaan din ng Punong Ehekutibo ang mga barangay chairman na nasasangkot sa illegal drug trade.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino