Muling nabuhay sa Kamara ang panukalang nagpapaliban sa nakatakdang halalang pang-Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Mayo.
Ito’y makaraang maghain ng panukala si House Justice Committee Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali para pigilan ang nasabing halalan.
Paliwanag ng mambabatas, nais niyang magkaroon ng mas mahabang panahon para balangkasin ang panukalang pag-aamyenda sa Saligang Batas tungo sa pederalismo.
Sakaling makalusot, ito na ang ikatlong pagkakataong mauunsyami ang Barangay at SK Elections sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Matatandaang pinaiimbestigahan sa Kamara ang pagbili ng Commission on Elections o COMELEC ng mga vote counting machine sa Smartmatic na ginamit noong 2016 elections.
Sa inihain niyang Resolution 1647, nais ni Minority Leader at Quezon Representative Danilo Suarez na siyasatin ang pagbili ng COMELEC ng nasa siyamnapo’t pitong libong (97,000) vote counting machines na aabot sa mahigit dalawang bilyon (P2-B).