Pinag-aaralan ng isang election lawyer na kuwestyonin sa Korte Suprema ang anya ay nakagawian na ng Kongreso na pagpapaliban sa barangay elections.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, kung titignan sa Saligang Batas, walang kapangyarihan ang Kongreso na ipagpaliban ang halalan.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
Kinuwestyon rin ni Macalintal kung bakit itinigil na ng Commission on Elections (COMELEC) ang preparasyon para sa barangay elections sa October 26.
Wala anya itong basehan dahil hindi pa naman batas ang panukala sa Kongreso na ipagpaliban ang barangay elections.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas