Tinutulan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Imee Marcos ang pagpapaliban sa Barangay Election na nakatakda sanang isagawa sa Disyembre ngayong taon.
Ayon kay Sotto, hindi dapat ipinagpapaliban ang Barangay Election dahil mas humahaba lang ang termino ng mga Barangay Officials kaysa sa Pangulo ng bansa.
Dagdag pa ni Sotto, dapat na itigil ang paulit ulit na pagpapaliban dito at mainam din na tanungin at alamin ang opinyon ng susunod na administrasyon sa panukala na muling ipagpaliban ang barangay election.
Samantala, naniniwala naman si Senator Imee Marcos na mabuting ituloy na ang Barangay Election kasabay ng mga bagong upong pangulo, bise pangulo at mga senador ng bansa.
Sinabi ng Senadora na mainam na bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na mahatulan ang mga nasa ibaba.
Bukod pa dito, magkakaroon din ng suporta ang bagong administrasyon sa mga bagong itatalagang Barangay Officials.