Pinangangambahang lumay-lay ang demokrasya at mapahina ang prinsipyo ng Local Government Code kung muling ipagpapaliban ang Barangay at SK Elections sa Oktubre.
Ito ang pananaw ng political analyst na si Prof. Ramon Casiple na nagsabing ayon sa batas, binibigyan ng kapangyarihan ang mamamayan na makapamili kung sino ang dapat mamuno sa kanilang mga Barangay.
Reaksyon ito ni Casiple sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay sa halip na magdaos pa ng halalan sa pangambang magamit ang narco-money para sa pangangampaniya.
Giit pa ni Casiple, walang dahilan para ipagpaliban ang halalang pambarangay dahil matagal na itong dapat nagawa kaya’t dapat lamang na matuloy ito.
By: Jaymark Dagala