Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ipagpaliban ang pagsasagawa ng National Vaccination Drive sa mga lugar na daraanan ng papasok na bagyo.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ire-reschedule ang ‘Bayanihan, Bakunahan’ sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA at Bicol Region sa Disyembe a-20 hanggang a-22 bunsod ng bagyong Odette.
Matatandaang nakatakdang isagawa ang unang araw ng National Vaccination Drive ng pamahalaan bukas, December 15 hanggang 17.
Kaugnay nito, mananatili ang pagsasagawa ng 3-day vaccination drive sa Northern at Central Luzon maging sa CALABARZON sa itinakdang araw ng pagbabakuna. —sa panulat ni Joana Luna