Hindi na dadaan sa bicameral conference hearing ang panukalang batas na magpapaliban sa Baranggay at Sangguniang Kabataan elections, ngayong taon.
Ayon kay senate committee on local government chairman Sonny Angara, ito ay dahil nagpasya na ang mababang kapulungan ng Kongreso na kanila nalang ia – adopt ang maipapasang bersyon ng Senado.
Sa ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na ang panukalang batas na maglilipat sa Oktubre 2017, sa eleksyon para sa baranggay at Sangguniang Kabataan.
Inaasahang sa susunod na linggo ay maipapasa na ito sa ikatlo at huling pagbasa.
By: Katrina Valle / (Reporter No. 19) Cely Bueno