Sigurado na ang pagpasa sa Kongreso ng panukalang pagpapaliban sa barangay at SK elections sa Oktubre.
Sinabi ni Senate President Koko Pimentel na dahil pagbibigyan nila ang hirit ng Palasyo na ipagpaliban ang halalang pambarangay ay oobligahin nila ang ehekutibo na agarang aksyunan ang mga barangay official na nasa drug list.
Ayon kay Pimentel wala nang magiging kontrobersya sa muling pagpapaliban sa barangay elections dahil sa hold over naman ang mga naka upong opisyal.
Tiniyak ni Pimentel ang pagpasa sa panukalang pagpapaliban sa barangay elections sa susunod na buwan.
By Judith Larino / (Ulat ni Cely Bueno)