Muling nagpahayag ng pagtutol ang NAMFREL o National Movement for Free Elections kaugnay ng isinusulong na pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 23 ngayong taon.
Batay sa kalatas ng NAMFREL, kung hindi itutuloy ang halalan ay masisira ang demokratikong proseso na naggagarantiya ng karapatan ng mga botante na pumili ng kanilang mga lider.
Naniniwala rin ang citizen’s arm ng COMELEC na maaaring lumakas pa lalo ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon sakaling matuloy ang eleksiyon.
Masusubok din anila ang S.K. Reform act na naipasa noon pang Pebrero, taong 2016.
By: Gilbert Perdez
SMW: RPE