Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar, isang araw bago ang pagsisimula ng paghahain ng COC o certificate of candidacy.
Una rito, sinabi ni COMELEC Spokesperson Director James Jimenez sa pamamagitan ng isang tweet na nakatanggap sila ng impormasyon na pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang barangay and SK elections 2017 postponement bill, kagabi.
Advisory coming from @jabjimenez re postponement of #BSKE2017 pic.twitter.com/d3Ti05IyRB
— COMELEC (@COMELEC) October 4, 2017
Dahil dito, itinakda na sa Mayo ng susunod na taon ang barangay at SK elections at mananatili pa rin sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal ng mga barangay.
(Ulat ni Jill Resontoc)