Posibleng madesisyunan na ngayong Agosto kung ipagpapaliban ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia, umaasa siyang matutuldukan na ang usapin kung matutuloy o hindi ang halalan.
Bilang isang election lawyer, pabor si Garcia na ituloy ang halalan dahil aniya, simbolo ito ng demokrasya sa bansa.
Pero iginiit ng poll body chief na personal niya itong pananaw at hindi ng buong COMELEC.
Matatandaan ilang senador at kongresista ang naghain ng panukala upang suspendihin ng Barangay at SK Polls.