Hinimok ng isang mambabatas ang Department Of Transportation (DOTr) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng cashless collection scheme sa mga tollways.
Ayon kay Valenzuela City Representative Wes Gatchalian, kanyang ipinagtataka ang pasiya ng DOTR na agad nang ipatupad ang cashless toll collection scheme.
Gayong hindi pa aniya kapwa compatible ang easytrip at autosweep Radio Frequency Identification (RFID) sa system ng 2 toll operators.
Sinabi ni Gatchalian, makabubuti kung ikunsidera ng DOTR ang pagpapaliban sa cashless toll collection scheme hanggang sa susunod na taon hangga’t hindi pa napag-uugnay ang dalawang RFID system.
Binigyang diin ni Gatchalian, suportado niya ang planong gawin nang cashless ang mga transaksyon sa tollways pero hindi na dapat maging pahirap sa mga consumers ang magkaibang RFID cards.