Dapat maisabatas na ang panukalang pagpapaliban sa eleksyon bago mag-Oktubre 5.
Ayon kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andy Bautista, magsisimula na sa Oktubre 5 hanggang October 11 ang paghahahain ng certificate of candidacy para sa mga kakandidato sa barangay at SK elections.
Samantala, a-12 naman aniya hanggang October 21 ang kampanya.
Sa ngayon, sinabi ni Bautista na umaabot na sa 26 na milyon ang na-imprentang balota para sa SK at barangay elections.
Samantala, sakali anyang maisabatas na ang pagpapaliban sa SK at barangay elections, kailangang nakasaad sa ipapasang batas ang paraan kung sino ang manunungkulan sa barangay habang inaantay ang eleksyon sa Mayo ng susunod na taon.
“Unang-una sa aking palagay ay dapat merong batas na nagsasabing may kapangyarihan ang isang tao o grupo na magtalaga ng OIC at anong basehan sa pagtatalaga nito, pangalawa may mga nagsasabing ito ay labag sa ating Saligang Batas kaya may mga kukuwestyon dito, pero gray area yan eh.” Pahayag ni Bautista
(Ratsada Balita Interview)