Muling ipinanawagan ni Assistant Minority Leader at Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas sa Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) na ipagpaliban pa ang premium hike na nakaamba sa darating na buwan ng Hunyo.
Ayon kay Brosas, higit na kinakailangan sa ngayon ang naturang pagpapaliban sa premium hike sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis, pangunahing bilihin at serbisyo.
Nabatid na sasakaling tuluyang tataas ang singil ng PHILHEALTH nasa P400 hanggang P3,200 ang magiging kaltas sa sahod ng mga manggagawa at mababalewala ang dagdag sahod na P33 kada araw sa NCR.