Binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero na karapatan ng Malacañang na repasuhin at pag-aralan ang nilalaman ng ipinasang 2025 national budget ng kongreso bago ito lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay SP Escudero, karapatan ng Pangulo na magsagawa ng line item vetoes sa budget at bahagi ito ng legislative process at ng sistema ng checks and balances na nakasaad sa konstitusyon.
Kailangan talaga aniya ng sapat na panahon para marepaso ang panukalang budget dahil sa kumplikado at maraming detalye na nakapaloob dito.
Tiwala naman ang Lider ng Senado na malalagdaan ng pangulo ang 2025 General Appropriations Bill bago matapos ang taon kaya hindi magiging reenacted ang budget sa pagpasok ng 2025. – Sa panulat ni Laica Cuevas