Ipinanawagan ni WHO Director-General Tedros Ghebreyesus ang pagpapaliban sa pagtuturok ng COVID-19 booster.
Ayon kay Ghebreyesus, dapat i-prayoridad ang pagbabakuna at mag-donate ang mga mayamang bansa ng mga COVID-19 vaccine sa mga bansang may mababang vaccination rates.
Kung hindi aniya itataas ang vaccination rates sa buong mundo, maaaring sumulpot ang mga panibago at mas mapanganib na COVID-19 variants.
Ipinunto rin ng WHO Chief na pinag-de-debatehan pa kung epektibo o hindi ang booster shots.
Magugunitang inilarga ng US, Germany, France at Israel ang kani-kanilang planong magturok ng ikatlong COVID-19 vaccine bilang booster shots simula sa susunod na buwan.—sa panulat ni Drew Nacino