Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyong pagpapalibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ibinasura ng SC o Supreme Court ang lahat ng mga mosyon kontra sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Kabilang dito ang kahilingan ng grupo ni Congressman Edcel Lagman na ipahukay ang labi ni Marcos at pag-cite ng contempt sa mga Marcoses at sa pamahalaan.
Matatandaan na sorpresa ang ginawang pagpapalibing sa labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ilang araw lamang matapos itong payagan ng Korte Suprema.