Hanggang ngayong Biyernes, Disyembre 29, na lamang ang ibinigay na palugit ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP para sa pagpapalit ng demonetized bank notes.
Ayon kay BSP Managing Director for Currency Management Carlyn Pangilinan, hindi na nila palalawigin ang deadline lalo’t tatlong beses na itong pinalawig.
Pinayuhan naman ni Pangilin ang publiko na huwag mag – atubiling ipapalit ang kanilang new design series (NDS) bank notes para sa new generation currency (NGC) banknotes.
Ang mga pumila naman subalit hindi nakapagpalit dahil sa kakulangan ng oras noong Disyembre 27 at 28 ay bibigyan ng official form upang payagan silang ipalit ang mga lumang pera sa Enero 3.