Hindi maliit na bagay ang pagpapalit ng ‘hash code’ ng Smartmatic official na si Marlon Garcia sa transparency server ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ang binigyang diin ni Rodolfo Javellana Jr. ng Grupong Mata sa Balota Movement kasunod ng isinampa nilang kasong electoral sabotage sa Ombudsman.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Javellana na ang ginawa ni Garcia ay nakaapekto sa integridad at kredibilidad ng eleksyon.
Maliban kay Garcia, matatandaang sinampahan din ng katulad na kaso ang mga matataas na opisyal ng COMELEC, PPCRV at Smartmatic.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas