Walang epekto sa pagsusulong at pagpasa ng priority measures ng senado ang inaasahang pagpapalit sa liderato ng kamara.
Ayon ito kay Senate President Vicente Sotto III dahil kaya nilang makipag-trabaho sa kahit sinong House Speaker basta’t magkapareho lamang ang kanilang pananaw.
Kasunod na rin ito ng report na October 14 na magsisimulang umupong bagong lider ng kamara si Congressman Lord Allan Velasco matapos magreferee ang Pangulong Rodrigo Duterte at igiit ang pagsunod sa gentleman’s agreement ni Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Samantala inihayag ni Sotto na makakabuti kung ipagpapatuloy nila ang pagdaraos ng mini LEDAC sa pamumuno ni Velasco para regular na mapag-usapan ang mga legislative measure na priority na maipasa lalo na ang mga panukalang isinusulong ng Malakanyang.