Pinalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang deadline sa pagpapalit ng lumang peso bill.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni BSP Core I.T. Specialist Group Head Melchor Plabasan na maaaring magpalit ng New Generation Currency o NGC banknotes hanggang sa March 31, 2017
Sa datos ng Central Bank, umaabot sa P23.3 billion ang halaga ng old peso bill ang nasa sirkulasyon ngayon.
Unang itinakda sa January 1, 2017 ang deadline para sa pagpapalit ng lumang pera sa mga bangko at branch ng BSP.
By: Meann Tanbio