Iminungkahi ni incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagpapalit sa mga jailguard ng Bilibid.
Ayon kay Dela Rosa, ito ay upang masiguro na mahaharang ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamit at maging ang mga pakikipag transaksyon ng mga drug convict.
Binigyang diin ni Dela Rosa na nagiging madali para sa convicts ang pakikipag transaksyon maging sa ibang bansa, dahil sa malalakas na signal booster ng mga ito.
Samantala, sinuportahan din ni Dela Rosa ang panukalang italaga muna sa Bilibid ang Special Action Force, habang naghahanap ng mga bagong jail guards.
Kaugnay dito, Pabor ang Bureau of Corrections sa plano ng incoming Duterte Administration na magtalaga ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force sa New Bilibid Prisons.
Ayon kay BUCOR Director-General Ricardo Rainier Cruz, kahit 35 raids na ang kanilang isinagawa simula nang ilunsad ang Oplan Galugad noong 2015 ay naka-kukumpiska pa rin sila ng iba’t ibang kontrabando sa loob ng Bilibid.
Kailangan anya talaga ng karagdagang manpower para maparami po ang mga nagbabantay upang maging maayos ang sistema sa piitan at matuldukan ang mga iligal na aktibidad gaya ng drug trade.
Gayunman, nilinaw ni Cruz na nabawasan na ang kapangyarihan maging ang kakayahan na makapagbenta ng mga druglord sa loob ng Bilibid dahil namo-monitor na rin ang kanilang galaw ng ibang ahensya.
Magugunitang inihayag ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagpasaklolo na siya sa susunod na PNP Chief, Gen. Ronald Dela Rosa na nangako ng 1,000 SAF Commandos na itatalaga sa NBP.
By: Drew Nacino/ Katrina Valle