Halatang political propaganda lamang ang nasa likod ng batas na nagpalit ng pangalan ng Manila International Airport (MIA) bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y ayon kay Atty. Larry Gadon makaraang ibasura ng Korte Suprema ang petisyon nitong ipawalang bisa ang batas na nagpapalit ng pangalan ng MIA.
Ani Gadon, hangad lamang ng mga taong nasa likod ng pagpapalit ng pangalan ng paliparan na magkaroon ng ‘political advantage’ ang pangalang may kakabit na ‘Aquino’ para oras na tumakbo sa posisyon ang mga ito, ay tiyak na makalalamang sa boto.
Ang purpose nila d’yan ay para magkaroon ng political advantage ang pangalang Aquino, everytime na mayroong eleksyon. Kasi, isipin mo, pangalan sa airport, pangalan sa ospital, sa kalye, eskwelahan, pati sa pera,” ani Gadon.
Pero kung paliparan sa ibaAng purpose nila d’yan ay para magkaroon ng political advantage ang pangalang Aquino, everytime na mayroong eleksyon. Kasi, isipin mo, pangalan sa airport, pangalan sa ospital, sa kalye, eskwelahan, pati sa pera,
ng bansa na isinunod ang pangalan sa kilalang personalidad, iginiit ni Gadon na wala itong problema lalo’t may naiambag naman ang mga ito sa kani-kanilang bansa.
Mga naging icons naman sila… ‘yung iba talagang mga war hero,” ani Gadon.
Magugunitang nag-file ng petisyon si Gadon sa Supreme Court na humihiling na ipawalang-bisa ang batas na nagpapalit ng pangalan ng MIA bilang NAIA.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Brian Keith Hosaka, ito’y dahil kulang sa merito ang nasabing petisyon.
Kasunod nito, ayon kay Gadon, kanya na lang ifa-follow-up ang panukala ni Deputy Speaker at Davao City 1st District Congressman Paolo Duterte na naglalayon ding palitan ang pangalan ng NAIA.
Merong finile na bill si Cong. Pulong Duterte sa kongreso, ifa-follow up ko nalang ‘yon,” ani Gadon.
Samantala, inaasahan din daw ni Atty. Larry Gadon ang pagbasura ng Supreme Court sa naturang petisyon dahil sa mentalidad nitong separation of powers ng mga sangay ng gobyerno.
Expected ko naman ‘yang sa Supreme Court, because of —alam ko ‘yung mentality nila, e, na gano’n. Separation of powers ‘yan, e, ‘yun agad ang kanilang tingin d’yan. Sa akin, hindi, e, it is the manner with which the law was passed,” ani Gadon. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882
Netizens pabor na ‘di dapat pinalitan ang MIA bilang NAIA —Gadon
Marami ang pabor na hindi dapat pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport at isinunod sa pangalan ni dating senador Ninoy Aquino Jr.
Ito’y ayon Kay Atty. Larry Gadon makaraang ibasura ng Korte Suprema ang petisyon nitong ipawalang-bisa ang batas na nagpapalit ng pangalan ng MIA.
Ani Gadon, sa social media, makikita na suportado ng mga netizens ang petisyon niya dahil alam aniya ng taong bayan na hindi karapat-dapat na isunod sa yumaong senador ang pangalan ng paliparan dahil sa iba’t-ibang mga dahilan.
100% galit na galit sila. Sinasabi nila, dapat Manila International Airport ‘yan, wala namang nagawa si Ninoy, hindi naman sila nagpa-construct n’yan, hindi naman nila proyekto ‘yan, kung anu-ano —hindi sya bayani, traydor sya,” ani Gadon. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882