Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang palitan ng sensor ang mga timers sa traffic lights sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, mas malaking tulong ang sensor sa pagtukoy kung wala nang paparating na sasakyan sa kabilang kalye.
Ito rin ang magsisilbing Stop and Go signal sa mga motorista tuwing magmamaneho.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 200 traffic lights sa National Capital Region (NCR) na gumagamit ng sensor upang tukuyin ang daloy ng trapiko. —sa panulat ni Hannah Oledan