Tsismis lamang ang ulat na papalitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si DILG Secretary Mike Sueno.
Sinabi sa DWIZ ni DILG Asst. Secretary Epimaco Densing na maayos naman ang pagpapatakbo ng kalihim sa kanilang departamento at wala itong makitang dahilan para palitan ang DILG chief.
Pero sinabi ni Densing na nasa pagpapasya pa rin ni Pangulong Duterte kung hanggang kailan nito gustong manatili ang isang opisyal na itinalaga sa mga sensitibong tanggapan sa pamahalaan.
Nauna rito napaulat na papalitan na umano si Sueno sa DILG at ang napipisil ay si dating Senador Bongbong Marcos na itinanggi naman ng kampo ng Senador.
By: Aileen Taliping