Mahalaga ang palitan ng intelligence para malabanan ang terorismo.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda matapos malagdaan sa ASEAN summit sa Malaysia ang deklarasyon para sa pagdaigdigang laban kontra terorismo.
Sinabi ni Lacierda na aktibo ang Pilipinas sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa kampanya laban sa terorismo at mas mapapaigting pa ito sa pamamagitan nang nilagdaang kasunduan ng mga bansa sa rehiyong Asya.
Nakakalungkot aniya ang pagpugot sa ulo ng Malaysian businessman na bihag ng Abu Sayyaf at gagawin ng gobyerno ang lahat para mapanagot ang mga bandidong naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
By: Aileen Taliping (patrol 23)