Nakadepende sa localized lockdowns ang pagpapaluwag sa quarantine restriction sa bansa.
Ito ang nilinaw ng OCTA research group na maaari lamang isailalim sa mas maluwag na quarantine restriction kung mababalanse ng gobyerno ang kalusugan at ekonomiya sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mahalagang pag-aaralan ang pagtaas ng bilang ng severe cases laban sa mild cases at mortality rates.
Dagdag ni David, kailangang magsilbing paalala sa publiko ang mga bagong variants para sundin ang mga ipinapatupad na health protocols.
Bukod dito, sinabi rin ni David na may pag-asa pang malabanan ang pagkalat ng virus kung magkakaroon ng kooperasyon ang pamahalaan at ang publiko.
Samantala, muling hinimok ng grupo ang publiko na magpabakuna para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.