Hati ang pananaw ng mga Metro Manila Mayors (MMC) sa pinakahuling direktiba ng gobyerno kung saan dinagdagan pa ang maaaring makalabas ng kanilang bahay sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ibang bansa nang luwagan ng mga ito ang kanilang quarantine restrictions.
Ani Tiangco sa ngayon ay masasabi niyang hindi pa talaga handa para lugawan ang quarantine restrictions at mas mainam umanong matiyak munang ligtas na talaga para sa lahat na lumabas ng bahay.
Naniniwala naman si Las Piñas Mayor Imelda Aguilar na ang naturang direktiba ng gobyerno ay para matulungang makabango ang ekonomiya ng bansa.
Niluwagan naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang curfew sa kaniyang nasasakupan ito’y mula alas-12 dose na ng hating gabi hanggang ala-5 ng umaga.