Inaasahang maluluwagan na sa buwan ng Marso ngayong taon ang quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua upang makabangon na ang ekonomiya ng bansa at dahil may paparating nang bakuna sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Chua, umaabot sa P700 milyon ang nawawalang kita at sweldo kada araw sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na nasa ilalim pa rin ng General Enhanced Community Quarantine (GCQ) partikular na sa Metro Manila dulot ng pandemyang COVID-19.
Samantala, taliwas naman ito sa rekomendasyon ni Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research group dahil mas mainam aniya na sa Abril na magluwag ng quarantine classification dahil kinakailangang mabigyan pa ng ikalawang dose ng bakuna ang mga mababakunahan kontra COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco