Kinontra ng Malakanyang ang pahayag ng human rights watch na may pananagutan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso ng EJK o Extra-Judicial Killings sa bansa.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, mga sindikato ng iligal na droga at hindi ang gobyerno ang nasa likod ng mga napaulat na patayan.
Hanggang ngayon aniya’y wala pa ring kasong isinasampa laban sa Pangulo at wala ring ebidensyang magpapatunay na state sponsored ang mga pagpatay.
Malabo rin aniyang malitis si Pangulong Duterte sa international court tulad ng ibang world leaders na nasangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao.
By Jaymark Dagala | With Report from Aileen Taliping