Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pahayag ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado niya ang pagpapanagot sa mga taong lumabag sa karapatang pantao.
Ang nasabing pahayag ay ginawa ni Marcos sa ginawang pagpupulong kasama si United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez.
Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia, ikinagagalak nila na nais ni Marcos na mahalagang matiyak ang mataas na lebel ng pananagutan pagdating sa usapin ng karapatang pantao.
Aniya, umaasa silang magkakaroon ng usad ang human rights cause sa bansa partikular ang UN Joint Program on Human Rights.
Matatawag din daw critical milestone ang gagawing partnership ng gobyerno ng bansa at UN sa pagresolba sa butas sa pagprotekta ng CHR sa karapatan ng mga Pilipino sa nakalipas na mga taon.
Umaasa rin sila na ang pagrespeto at pagprotekt sa karapatang pantao ay magiging pangunahing agenda ng Marcos administration na siyang makakapagpagaan ng buhay ng mga Pilipino.