Tiniyak ng management ng LRT o Light rail transit na mananagot ang sinumang responsable sa banggaan ng dalawang LRT 2 train sa malapit sa Santolan Station.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng LRT 2, isa ang usaping ito sa target ng isasagawa nilang fact finding investigation.
Gayunman, pangunahin pa ring anyang katanungan ay kung paanong ang isang nakaparadang tren ay biglang umandar at nakatawid pa sa riles na nasa pagitan ng emergency parking na riles at sa riles kung saan may dumarating na tren.
Una rito, mahigit sa 30 katao ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang LRT 2 trains.
Sa kabila nito, muling tiniyak ni Cabrera na nananatiling ligtas ang pagsakay sa LRT 2.
“Ang ating mga tren, yung ating system, safe po sila. Yun pong nangyari nung Sabado, napaka isolated incident po ito. Unang una po, sa tagal ng LRT line 2, sa ilang years, ngayon lang po nagkaroon ng collision. Pangalawa, sa history po ng LRT sa buong Metro Manila, yung line 1, line 2, and I guessb kahit sa MRT 3, yung line 1 natin pinaka matanda, more than 35 years old na siya, ngayon lang nagkaroon ng insidente na kung saan, supposedly ang immobilized train ay gumalaw.”
(Ratsada Balita interview)