Inatasan ng Department of Health (DOH) ang mga unit nito na panatilihin ang ipinatutupad na “heightened surveillance,” partikular na sa mga biyaherong magmumula sa china.
Ginawa ng Doh ang direktiba matapos ang naitalang pagtaas ng Covid-19 cases sa East Asian Countries.
Sa ilalim ng Memorandum no. 2022-0578, inaatasan ng ahensya ang lahat ng kanilang Centers for Health Development (CHD) Directors na ipagpatuloy ang pakikipagkoordinasyon sa mga concerned agencies and Local Government Units sa kani-kanilang mga lugar.
Layon nito na mamonitor at agad na makapagbigay ng suporta hinggil sa higit na pagpapaigting ng implementasyon ng border control protocols sa lahat ng entry point sa bansa.
Una nang nagbigay ng deriktiba ang DOH sa Bureau of Quarantine na palakasin ang quarantine protocols sa mga traveler na galing sa China at tiyakin na fully vaccinated ang mga ito.