Maituturing na hamon sa mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapanatiling malinis mula sa mga sagabal ang lahat ng kalsada sa mga lungsod sa buong bansa.
Ayon ito kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, matapos namang ipag-utos ni Secretary Eduardo Año ang pagpapatuloy ng national road clearing programs ng pamahalaan.
Sinabi ni Malaya, kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng isinagawang clearing operations kung saan pinapurihan nito ang DILG at lahat ng mga LGUs na nakasunod sa kanyang kautusan.
Batay sa tala ng ahensiya, 328 na LGUs ang nakakuha ng high compliance rating, 497 LGUs ang may medium compliance rating, 323 LGUs naman ang may low compliance rating at 97 ang nakakuha ng bagsak na marka.