Dahil hindi pa tapos ang laban ng mundo kontra COVID-19, ipinapayo ng mga eksperto na dapat laging malinis ang hangin sa loob ng tahanan.
Ayon kay Dr. Neeta Ogden na espesyalista sa allergy, hika, at iba pang sakit sa baga, mahalagang mapaangat ang kalidad ng hangin sa loob ng bahay lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ngunit maaari aniyang makasama sa air quality ang sobrang alikabok at pet dandruff.
Sinabi pa ni Ogden na hindi rin makabubuti sa kalidad ng hangin ang mga scented candles at iba pang holiday decorations na posibleng nagtataglay ng toxic fumes at kemikal na maaari ring makasama sa kalusugan.