Umapela ang ilang Eksperto sa Gobyerno na panatilihin ang Alert level 2 sa Metro Manila at ibang panig ng bansa.
Sa gitna pa rin ito ng banta ng covid-19 Omicron variant at kahit na bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang linggo.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Adviser, Dr. Ted Herbosa, maaari lamang ibaba ang alert status sa level 1 kung makakamit ang sapat na bilang ng mga fully vaccinated kontra COVID-19.
Inihayag naman ni Dr. Guido David ng OCTA Research na mas maiging manatili sa Alert level 2 upang ma-contain ang posibleng pagpasok ng bagong variant. —sa panulat ni Drew Nacino