Tiniyak ni DILG Benhur Abalos Jr. na patuloy ang pagpupurisge ng gobyerno para mapanatili ang peace and order sa bansa.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Abalos bumaba sa 72.33 % ang lahat ng krimen sa bansa kabilang dito ang pagpatay, rape, robbery, at car napping mula July 1 hanggang September 30, 2022.
Marami na aniyang pagbabago sa bansa na nakatulong upang unti-unti nang makabangon ang ekonomiya at maging mula sa pandemya.
Maliban dito, tuloy-tuloy din ang pagsisikap ng gobyerno na malutas ang problema sa New People’s Army (NPA).
Aabot na sa 1,100 na dating rebelde ang natulungan na makapagbalik loob sa lipunan.