Mananatili ang travel ban ng Pilipinas sa Taiwan hangga’t walang rekomendasyon na maaari na itong alisin mula sa World Health Organization (WHO).
Ito ang pinanindigan ng Malakaniyang sa gitna ng mga panawagan na bawiin na ang umiiral na travel ban dahil maayos naman umanong tinutugunan ng Taiwan ang problema sa Corona Virus Disease (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakabatay ang desisyong ito ng Pangulo sa WHO at Department of Health (DOH).
Nais din umanong makatiyak ang Pangulo na maiiwas sa banta ng nasabing sakit ang mga Filipino.