Nakiisa si Senador Panfilo Lacson sa panawagan ni Senate President Vicente Sotto III na panatilihin ang P16. 4-billion na alokasyon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflicts (NTL-ELCAC)’s.
Sinabi ni Lacson na wala sa kamay ng security sector ang paggamit ng nasabing pondo na aniya’y bahagi ng special purpose fund sa ilalim ng ALGU o Assistance to Local Government Units kung saan para ito sa pagpapaunlad sa mga barangays na malinis na sa New People’s Army.
Ayon kay Lacson mapupunta anito ang naturang pondo sa development programs tulad ng farm to market road at livelihood at bahagi ng confidence building measure para mapigilan ang problema sa insurgency o rebeldeng komunista.
Sa pamamagitan nito aniya ang mga barangay lalo na ang indigenous people na tatangkain ng npa na himuking sumanib sa kanilang kilusan ay hindi na mahihikayat sumama at pagkakataon na ito ng npa na magbagong buhay.
Iginiit pa ni Lacson na mahigit limampung taon na ang problema ng insurgency sa bansa kayat panahon na para gumawa ng mga hakbang para mawakasan na ito. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)