Hinihimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kumpanyang panatilihin pa rin ang pagpapairal ng work-from-home set up sa kanilang mga manggagawa.
Sa kabila ito nang pagpayag ng DTI na makabalik sa 100% capacity ang ilang negosyo sa mga lugar na nasa ilalm ng general community quarantine (GCQ) at modofied GCQ.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na kung kakayanin ay mabuting maipatupad pa rin ang work-from-home para maiwasan ang pagtaas ng banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang napapanatiling may trabaho at sumu-suweldo ang mga manggagawa.
Ayon sa DTI, uubra nang mag-operate ang mga business establishment na nasa ilalim ng categories 2 at 3 sa GCQ areas samantalang 75% lang ang pinapayagang kapasidad sa mga barbershop at salon.