Hinamon ng Department of Education (DEPED) na pangalanan ni presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao ang umano’y isang opisyal ng DEPED na sangkot umano sa korapsyon sa kagawaran.
Ito’y matapos banggitin ng senador isang panayam sa KBP-COMELEC Pilipinas Forum 2022 na ipinalabas noong Mayo 6 na mayroon umanong opisyal ng departamento na tumatanggap ng komisyon na umaabot sa 40% ng halaga ng proyekto ng DEPED.
Giit ng DEPED, bilang isang senador at tumatakbo sa pinakamataas na katungkulan sa pamahalaan moral na tungkulin nito na pangalanan ang naturang opisyal at hindi umasa sa mga pangkalahatan upang ibagsak ang buong institusyon ng kagawaran ng edukasyon gayong katumbas anila ng isang maling akusasyon ang hindi pagpapangalan at hindi pagbibigay ng ebidensya. - sa panulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)