Suportado ng ilang Senador ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa kaniyang name and shame campaign ang mga mayayamang hindi nagbabayad ng tamang buwis
Ayon kay Senador Sonny Angara, magandang pagkakataon na ito upang magkaroon ng takot ang mga mayayaman at magbayad ng tamang buwis lalo na ang mga professionals na hindi nagdideklara ng tunay nilang kinikita
Giit ni Angara, kaawa-awa naman ang kalagayan ng mga ordinaryong manggagawa na nagpapakapagod sa paghahanap buhay ngunit halos kalahati ng kanilang kita ay napupunta lamang sa pagbabayad ng buwis
Para naman kay majority floor leader Tito Sotto, walang masama sa planong ito ng Pangulo hangga’t wala aniyang nalalabag sa batas
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No.19 ) Cely Bueno