Pansamanatalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Island Garden ng Samal sa Davao Del Norte ang pagpapapasok ng mga turista mula China at iba pang bansa sa Asya.
Ito ay kasunod ng outbreak ng novel coronavirus (nCoV).
Ayon sa naturang Local Government Unit (LGU), nakipagtulungan sila sa Department of Tourism (DOT) para sa naturang suspensyon.
Bukod dito, nakiusap din ang LGU sa mga tour operators at agencies na suportahan ang naturang hakbangin nito.
Sa ngayon ay nananatili pa ring ‘nCoV free’ ang Pilipinas.