Pumalag si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa panibagong batikos ng kaniyang mga kritiko.
Ito’y makaraang punahin ang anila’y mababaw na pagpaparusa ng PNP Chief sa mga pulis Pampanga na sangkot sa pangongotong nuong isang linggo.
Ayon kay Bato, hanggang push up lamang ang kaya niyang ipagawa sa mga nagkasalang pulis dahil tiyak na babatikusin pa rin siya kapag sinaktan niya ang mga iyon
Hindi na niya alam kung saan siya lulugar dahil tiyak na babatikusin pa rin siya kahit anong hakbang ang kaniyang gawin.
Pakinggan: Pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
By Jaymark Dagala | With report from Jonathan Andal