Minaliit lamang ng Department of National Defense o DND ang pagpapaputok ng China ng flares sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, batay sa kanyang imbestigasyon, pinaputok ng mga Chinese ang flares mula sa inookupahan nilang artificial lands habang dumadaan ang eroplano ng bansa na nagsasagawa ng intelligence, surveillance at reconnaissance mission sa pinag aagawang lugar.
Sinabi ni Lorenzana na hindi naman pinatatamaan ng flares ang ating mga eroplano dahil lumilipad ang mga ito sa layong 5 nautical miles at sa altitude na 5,000 feet mula sa artificial lands na kinaroroonan ng mga Chinese.
Posible anya na isang paraan ito ng mga Chinese para iparating sa mga sakay ng eroplano na sila ay naroon sa mga artificial islands.