Nagpaalala ang Metro Manila Center for Health Development sa publiko na magparehistro muna bago pumunta sa vaccination center.
Ito’y matapos dagsain ang rollout ng Pfizer coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine nitong linggo.
Ayon kay Dr. Gloria Balboa, director ng Metro Manila Center for Health Development mas magkakaroon ng kaayusan kung magpaparehistro muna online o sa kani-kanilang barangay bago magtungo sa mga vaccination center.
Limitado lang kasi aniya ang pwedeng bakunahan sa isang araw at higit sa lahat kailangan iobserba ang social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Dagdag pa ni Balboa dapat na kunin ang anumang available na bakuna kontra COVID-19 dahil ito naman aniya ay epektibo at aprubado ng Food and Drug Administration.