Walang limitasyon at pahihintulutan ang multiple sim registration sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sim Registration Law.
Ito ang nilinaw ng National Telecommunications Commission (NTC) Sa inaasahang pagsisimula sa Disyembre a – 27 ng implementasyon ng nasabing batas.
Gayunman, binalaan ni NTC Consultant, Engr. Edgardo Cabarios ang publiko sa panganib ng pagkakaroon ng maraming sim cards.
Kabilang na anya rito ang pagiging pangunahing suspek sa fraud, sakaling ang kanilang numero ay masangkot sa iligal na aktibidad kaya’t dapat maging responsable ang mga sim card owner.
Nakasaad sa IRR na dapat munang beripikahin ng telco firms ang mga isinumiteng impormasyon at datos ng sim card owner, alinsunod sa mga probisyon ng data privacy act, IRR nito at iba pang issuances ng National Privacy Commission (NPC).
Samantala, pinayuhan ni Cabarios ang mga taong makakawala ng kanilang sim cards na agad itong i-report sa mga otoridad at ipakansela.