Hinimok ng Philippine Embassy sa Washintong DC, USA ang mga Pilipino doon na magparehistro na bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections sa Pilipinas.
Partikular na dito sa Overseas Voters’ Registration sa embahada at mga konsulada ng Pilipinas sa Amerika.
Kasabay nito umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mas tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na magpapatala matapos ang mababang bilang ng nagparehistro noong Covid-19 pandemic.